Gabay Greenline

Isang malugod na pagbati mula sa Greenline ang ipinaaabot namin sa lahat ng mga nag-aalaga ng manok at mga magbababoy.

Sa munti naming kakayahan nais naming iparating ang mga balita, pahayag at suhestiyon na aming nakakalap mula sa mga lathala at mga karanasan ng mga nangangalaga na makakatulong maging gabay ninyo sa paglutas ng mga problema sa pag-aalaga.

Bagama’t may mga suhestyon kaming hiniram lamang sa mga ibat-ibang pahayag at karanasan, nais naming ipagpatuloy ninyo ang pagkonsulta sa mga Beterinaryo at Nutritionist na inyong katulong na. Ang malawak at mahabang naisin ng Greenline ay ang makapaghatid at makapagdulot ng mga gabay na naaayon sa pagbabago ng panahon, teknolohiya sa pag-aalaga tulad sa kaayusan ng bahay alagaan, gabay mula sa unang araw ng hayop hanggang ang mga sakit at gabay na maaring alam na ninyo, subalit, maulit na namin para maging paalala sa inyo.

Nais din ng Greenline website na maging daan upang makalap ninyo ang mga detalye ng importanteng inpormasyon na gusto ninyong mabasa at mapag-aralan. Nais din naming pamunuan na makatulong sa paghanap ng mga eksperto o ahensya na makakatulong sa mga may nangangailangan ng masusing pag-aaral o pagsasaliksik sa problema ng pangangalaga sa hayop, maging ito’y manok o baboy.

Nais din ng Greenline na makatulong sa pag-analisa ng tubig o pagkain sa laboratoryo para malaman ang kaangkupan nito sa malinis na tubig at kumpleto ang balance ng mga electrolytes.

Nais namin na ang Greenline ay maging katulong ninyo sa maayos na sistema ng pangangalaga ng hayop tungo sa maunlad at magandang kita sa negosyo.

Hanggang sa muli nating pag-uusap sa aming website. Abangan ang mga sumusunod naming gabay. Salamat po!

Need Advise?

Talk to our experts on how we can help you boost your chicken and swines growth using Greenline Animal Heath and Nutrition, Inc’s products such as Anigane, Flo-Bond, Selectolyte, Forticoat and more.